BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, March 9, 2011

Ang gusto ko...



     ... kapag umiyak ako hindi niya itatanong kung bakit..instead yayakapin ako at sasabihin  tahan na..yung tao na pagkatapos ako sermonan, sasabihin "ang tigas kasi ng ulo moh, paano ka kapag waLa na ako?"..yung tao na ihahatid ako sa tricycle at sasabihin sa driver .."dahan dahan po kayo sa pagmamaneho nakasakay po kasi yung mahal ko" yung tao na hindi naniniwala sa destiny at fairy tale pero naniniwala sa happily ever after..yung tao na mabuti at hindi mabait lang ..yung yayakapin ako kahit hindi ako naligo, yung hahalikan ako kahit bagong gising..=) yung magpapaluha sakin sa kakatawa hindi yung iiyakan ko para lang mapatawad niya ako..yung makakasama ko sa bawat araw ng buhay ko ..hindi sa gabi lang.. yung hahawakan yung kamay ko sa harap ng maraming tao.. at higit sa lahat yung kailangan ako kasi mahal niya ako ..hindi yung mahal niya ako kasi may kailangan siya.

0 comments: