BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, March 6, 2011

KAILAN



KAILAN

Kailan mo nga ba mapapansin
Ang aking damdaming matagal nang nililihim
Ikaw ang iniisip sa bawat gabing madilim
At lagi kong tanong, kailan mo nga ba papansinin?

Sa bawat oras ng aking pag-iisa
Ikaw ang hanap-hanap ko sa tuwina
Panalangin kong ikaw ay makasama
O Kailan mo nga ba papansinin ang aking pagsinta?

Hindi pa rin tumitigil na sayo'y umasa
Kahit sa tingin ko'y wala na ring saysay pa
Maghihintay pa rin ako hanggang mayroong umaga
Papatunayan ko na talagang mahal kita.

Kailan mo nga ba papansinin?
Ang puso kong tanging ikaw ang panalangin
Hangad ko lang naman ay ang iyong pagtingin 
O kailan mo nga ba ako mamahalin?

0 comments: